Uncensored Series 1: Ex- Lovers Contract [Tagalog/Filipino]
READING AGE 16+
(This is not yet finished)
Sa hirap ng buhay at sa kakarampot na perang natatanggap sa pagsa-sideline bilang tagalinis ng mga kwarto sa isang sikat na hotel, hindi sapat para kay Selena ang ganitong pangaraw-araw na buhay. Sa laki ng kanyang mga utang ay kailangan niyang maghanap ng ibang trabaho dahil kahit anong kayod niya, hindi pa rin sapat ito. Hinahabol na siya ng kanyang mga pinagakautangan at kailangan na niya ng pera agad-agad.
Sa isang hindi inaasahan, laking gulat niya na may isang taong bigla na lang nagpakita sa kanya. Nagbago na ito at nagkabaliktad ang estado ng kanilang buhay. Naramdaman din niya ang galit at pagkamuhi nito sa kanya.
Kilala niya kung sino ito dahil ito ang taong minamahal ng lubos at sinaktan niya noon.
Inalok siya nito ng trabaho at perang hindi niya matatanggihan. Pero ano naman ang magiging trabaho niya?
Unfold
[SELENA]
Pagkatapos ng ilang araw ng pagpapagaling ni Alonzo, isinagawa na ang hatol para kay Amanda. Guilty ang naging hatol para kay Amanda at nagdesisyon ang korte na makukulong ito ng panghabangbuhay. Maraming nakuhang ebidensya laban dito at kahit lalaban pa ito sa kaso, wala na din pag-asang makakalaya ito.
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……